Aces,Tropang Texters susungkitin ang tiket sa semis

ISASAPORMAL ng Alaska Aces at ng Talk and Text ang pagkumpleto sa  final six ng PBA Commissioners’ Cup sa kanilang pagsagupa sa Rain Or Shine at B-Meg Derby Ace sa magkahiwalay na bakbakan sa Araneta Coliseum ngayong hapon, Abril 1.

Nasa ikalawang baitang ang Tropang Texters (6-1) habang nasa third place ang Alaska Aces ni coach Tim Cone tangan ang 5-2 win-loss slate. Ang mga katunggali na Derby Ace (4-4) at Elasto Painters (3-4) ay nangangailangan ng panalo para maiwasan ang elimination.

May nalalabi pang laro ang koponan ni Yeng Guiao sa Abril 6 kontra sa nasibak ng San Miguel Beermen samantalang nakabingit sa balag ng alanganin ang Llamados kapag nanalo sa huling dalawang laban ang Air21 Express — laban sa Powerade Tigers sa Abril 3 at Alaska Aces sa Abril 6 na kapwa sa Big Dome gaganapin.  Radito Torres

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply