Action star sa harap at likod ng kamera: Sonny Parsons mag-ala Stalonne at Bruce Willis

ANG singer, TV at film actor na si Sonny Parsons ay dating special agent of the now-defunct PC (Phil. Constabulary) bago pumasok sa showbiz noong 1979.

In the late 70’s naging folk singer siya sa mga clubs hanggang sumapi siya sa The New Minstrel as a reserve singer.

In 1979, pinaggaya ng Vicor Records ang style ng Village People sa USA at kaya nabuo  naman ang all-male line up singing Original Pilipino Music (OPM) na Hagibis.

Kasama rito si Sonny Parsons. Dito  isinilang ang pinasikat na mga awitin ng Hagibis tulad ng “Nanggigil Kami,” “Legs, Katawan, Babae,” atbp.

After three years nabuwag ang “Hagibis,” at nag-switch si Sonny Parsons sa  paggiging action star at nag-direk ng pelikula dahil graduate siya ng filmmaking course sa Amerika.

Kabilang sa kanyang mga nagawang pelikula, ang “Bangsa Moro Army,” “Tirtir  Gang,”atbp.

Ibinalita ni Sonny Parsons na may action movie silang gagawin ngayon ni Roi  Vinzon na ala-Stallone at Bruce Willis ang dating.  Katulong sa proyektong ito ang character actor na si Danny Labra na malapit kay Manny Pacquiao.

Successful din ang U.S. tour ni Parsons kung saan nakasama niya sa mga  pagtatanghal ang mga pangkat na Hot Dogs, VST and Co. at  D Boyfriends, isang big-time production venture na pinuhunanan ni Frank Rivera.

Product endorsers sina Parsons at Roi Vinzon ng Energy Capsule at  mapapanood ito soon sa TV. Dahil sa pagiging gun sharp shooter, limang-daang tropeo at medalya na ang napanalunan, isa siyang consistent champion sa mga competition.

Sa katapangan ay matibay ang dibdib ni Parsons. Remember nang looban  sila sa kanilang tahanan sa Marikina City? He managed to kill one with a head  shot and wounded another.  A third assailant went after him with a knife, but  Parsons was able to grab the knife and slit open his assailant’s jugular (neck).

Abala si Sonny Parsons sa itinatag na Allied Forces of the Philippines  Civilian Volunteer (AFPCIV), isang anti-crime organization na sumusugpo ng mga masasamang elemento sa ating kapaligiran.

Ngayon abala si Sonny sa kanyang singing engagements bilang solo performer sa  loob at labas ng ating bansa. Hanggang sa ngayon ay di pa rin makalimutan ni Parsons ng pasukin ang kanilang tahanan ng limang armadong lalaki sa Marikina City upang pagnakawan sila.  Nanlaban siya, at on record he shot dead two  robbers and seriously wounded another one last  July 18, 2002.

Ang naturang eksena ay parang sa pelikula lamang mangyayari, pero true nangyari  ito sa totoong buhay sa pamilya ni Sonny Parsons. Bing Santos

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply