Actor AJ Perez patay sa road accident

NAMATAY ang batang aktor na si AJ Perez habang sugatan naman ang kasama nitong pasahero sa nirentahan nilang van makaraang maaksidente sa Tarlac bago maghatinggabi ng Linggo, Abril 17.

Ayon sa pulisya, kumpirmadong si Perez, 18, (Antonello Joseph Sarte Perez sa tunay na buhay) ang nasawi sa loob ng van nang makabangga nito ang isang pamsapeherong bus.

“Si AJ, nasa likod ng driver’s seat. Yan ang bahagi na may tama,” ayon kay Moncada police director Chief Inspector Augusto Pasamonte sa isang panayam sa dzBB.

Ayon pa sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dinala ang mga sugatan sa malapit na hospital ng bayan ng Moncada.

Nabatid na nasa kustodiya naman ngayon ng pulisya ang driver ng nakasalpukang bus.

“Ang Patras driver under custody na ng ating station,” dagdag pa ni Pasamonte.

Nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide at multiple physical ang naturang driver sa Lunes.

Idineklarang patay si Perez bandang 12:20 a.m. ng Linggo, dahil sa rami ng tinamong sugat.

Kasama ni Perez sa naturang van ang kanyang ama at security personnel.

Napag-alaman pa sa pinakahuling Twitter entries ni Perez na kagagaling lang niya sa isang show sa Dagupan City.

“On the way home already from Dagupan.Long drive ahead,” ayon sa pahayag niya sa kanyang Twitter.

Si Perez ay isa sa mga alaga ni Mr. Johnny Manahan ng Star Magic ng ABS-CBN.

Sumikat siya sa karakter na “Dido” sa teleseryeng “Sabel,” katambal ni Jessy Mendiola. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply