ADMU, UE target ang group A at B top position

AMBISYON kapwa ng Ateneo de Manila Blue Eagles at ng University of the East Red Warriors ang pangunguna sa kani-kanilang bracket sa pagharap sa magkahiwalay na laban ngayong hapon, Abril 27, sa pagpaptuloy ng 2011 FilOil Flying V Hanes Pre-season Premiere Cup sa The Arena sa San Juan City.

Masasabak ang UAAP 3-peat champions Blue Eagles kontra Lyceum Pirates sa group A dakong 2:30 ngayong hapon habang tatangkain ng UE Red Warriors na maitala ang panalo laban sa Adamson Falcons (0-1) para sundan ang manipis na 79-78 na panalo laban sa Jose Rizal Heavy Bombers.

Patatatagin ng Blue Eagles sa pamamagitan ng mga sikat na rookies na sina Keifer Ravena at higanteng si Greg Slaughter ang koponan ng Katipunan-based team samantalang ang head coach ng Red Warriors na si Jerry Codinera ay umaasa na sa pamamagitan ng tamang team work at set plays na ipinatutupad niya ay magaan nilang maipapanalo ang laro para makasabay sa team standings sa group B na pinangungunahan ng Far Eastern University Tamaraws ni coach Bert Flores.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply