AFP dudang titigil ang CPP-NPA sa pag-recruit ng child warriors

DUDA ang  Armed Forces of the Philippines (AFP) na tatalima at makikipagtulungan sa United Nations (UN) ang Communist Party of the Philippine-New People’s Army (CPP-NPA) sa pagpapatigil ng pagkalap ng mga batang mandirigma na isinasabak sa mga armadong hidwaan.

“The communist can easily say that, but the thing is do they really have control over their forces?” ayon kay Gen. Jose Mabanta, tagapagsalita ng AFP

Dagdag pa ni Mabanta: “The recruitment (of the communist rebels) is diminishing; that is why they look at other sources to include minors, women and even outcasts of society.”

Sinabi pa ni Mabanta na maaring sinsero ang intensyon ng CPP- NPA, subalit ang implementasyon ng pinagkasunduan ang kuwestyunable.

Magugunitang na-alarma ang United Nations sa lumalalang suliranin hinggil sa patuloy na paglobo ng bilang ng mga napapatay o nasasangkot na mga bata sa mga armed conflict.

Itinuturo ang ang mga rebeldeng grupo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at CPP-NPA sa mga aktibo sa pangangalap ng mga child combatant.

“They will have hard  time implementing that because  of diminishing recruitment efforts for 12-year period,” ayon sa AFP spokesman.

Base sa tala ng AFP ay umaabot na sa  348 child warriors ang kanilang na-nyutralisa sa hanay ng mga komunistang rebelde.

Kamakailan ay inihayag ng UNICEF ang lumalalang suliranin sa Pilipinas hinggil sa mga child comabatant kaya nagsasagawa sila ng ngayon ng mga pag-aaral kung paano mairerehistro ang bilang ng mga aktibong child warrior o mga sangkot sa armadong digmaan.

Target ng UNICEF na sa loob ng taong ito ay maibalik nila sa lipunan ang mga dokumentadong child warriors. Verlin Ruiz

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply