AFP natuwa sa pagbaba ni Merci

IKINATUWA ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagbibitiw ni Ombudsman Merceditas Gutierrez, ayon sa tagapagsalita ng militar.

Ayon kay AFP spokesman Commodore Miguel Rodriguez, “This is her right, to file her own resignation.”

Ani Rodriguez, ang pagbibitiw ni Gutierrez ay makabubuti sa AFP.

“This is good because the AFP and the nation will be saved from the harrowing experience of an impeachment process. It would be like watching the Rabusa case: sa tanghalian Rabusa-Garcia, sa hapunan, Rabusa-Garcia uli. Talagang nawindang tayo,” aniya.

Tiwala si Rodrigues na tiyak may hahalili sa mababakanteng puwesto ni Gutierrez, na siyang didinig sa ginawang paghahabol ng AFP na mabawi ang plea bargain deal at mabawi rin ang pondo ng military na nalustay o nagamit sa maling paraan.

“Moot and academic” na umano ang impeachment trial na isasagawa sa Senado, ngayong tuluyang magbitiw si Gutierrez.

Una rito, sinibak ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III si Deputy Ombudsman Emilio Gonzalez III, habang nagbitiw naman si Deputy Ombudsman for Luzon Mark Jalandoni.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply