AFP walang planong sibakin ang J4

WALANG plano ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na sibakin sa puwesto ang kasalukuyang AFP-J4 na tinuturong responsable sa over consumption ng diesel, gasolina at iba pang petroleum products na aabot sa P150-milyon sa loob lamang ng tatlong buwan.

Ito ay sa gitna ng pahayag ni AFP Spokesman Bgen. Jose Mabanta, na base sa inisyal na imbestigasyon ay wala namang discrepancy sa deliveries o malpractice sa petroleum management hinggil sa consumption at distribution ng gasoline at krudo sa buong AFP.

“Initial investigation apparently states that there seems to be no discrepancy, there seems to be no malpractices, however it is still too early and we will be informing you of developments  as we move on,” ani Mabanta.

Hindi umano dapat kaagad na idawit ang pangalan ng nakalipas na AFP chief na si Ricardo David. Katunayan ay nitong mga huling araw na lamang niya nalamang ang hinggil ditto at siya rin ang nagpasimuno sa imbestigasyon ani Mabanta.

Magugunitang  nabulabog ulit ang Hukbong Sandatahan nang ipag-utos ni AFP Chief of staff Gen. Eduardo Oban ang pagsisiyasat ng  J-4 na pinamumunuan ni Commodore Teddy Pan at ni Budget Officer Lt. Col. Padigdig at sa lahat ng staff nito ang isyu hinggil sa irregularly high delivery, consumption at distribution ng gasolina at iba pang oil products.

Nabatid na simula lamang nitong Enero hanggang March 15 ay umabot na sa mahigit P400 million ang distribution and consumption ng   J-4 o mas mataas ng P150 million ang sobra sa budget.

Nabatid na ang nasabing petrol consumption ay nangyari nito lamang  panahon ni dating AFP Chief Ricardo David na itinalaga ni Pangulong Noynoy Aquino sa Bureau of Immigration. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply