Agrikultura, pangingisda dapat palakasin

DAPAT magising na ang gobyerno at palakasin ang sektor ng agrikultura at pangingisda.

Ito ang iginiit ni Sen. Loren Legarda dahil sa nababahala ito sa dumaraming bilang ng mga nagugutom na Pinoy dahilan sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pagkain.

Bilang pundasyon ng ekonomiya, kumbinsido ang senadora na sa pamamagitan ng pagpapalakas pa sa dalawang sektor ay dadami ang food production at magpapababa sa antas ng kahirapan.

Naghain ng panukalang batas si Legarda para sa pagtatatag ng Philippine Agriculture and Fisheries Extension Agency.

Ang magiging papel ng ahensiya ay ang pagbibigay ng scholarship programs at training para sa pagpapaganda pa sa mga technique sa pagtatanim at pangingisda. Vicky Cervales

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply