Air21 Express dadaan sa butas ng karayum

HINDI pa tapos ang problema ng Air21 Express manalo man sila sa banggaan nila ng Alaska Aces ngayong hapon sa Araneta Coliseum.

Sakali mang malusutan nila ang Aces (5-3) ay masasabak pa ang Air Express (4-4) sa isang do-or-die game sa Derby Ace Llamados (4-5) para makapasok sa semifinals.

Sa laban sa Alaska ay muling pasisiglahin ni tropa ni coach Tim Cone ang sigla sa pagbabalik laro ng import na si LD Williams kasunod ng isang game suspension.

Kailangang doblehen nina trade players na sina Danny Seigle, Dondon Hontiveros, Dorian Peña at Paul Artadi ang sigasig at tulungan sila ng Alaska import na si Alpha Bengura para matabunan ang magagaling na manlalaro ng Alaska Aces.

Ang main set ng double-header game sa pagitan ng Rain or Shine at San Miguel Beer ay wala ng epekto sa ginaganap na elimination round dahil sukbit na ng ElastoPainters (4-4) ang quarterfinals samanatalang maagang napatalsik ang beermen na tangan ang 1-7 slate. Radito Torres

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply