Air21 pasok sa quarters

HINABLOT ng Air21 Express ang huling upuan s quarterfinal round s bisa ng 92-83 panalo kontra sa Alaska Aces Miyerkules ng gabi, Abril 6, sa PBA Commissioner’s Cup sa Araneta Coliseum.

Dahil sa panalo ng Express, tumapos sila na pang-lima sa elimination round at tinapos ang pangarap ng B-Meg Derby Ace na makausad sa susunod na round.

Muling maghaharap ang Express at Aces sa best-of-three quarterfinals na magsisimula Biyernes, Abril 8, sa Cuneta Astrodome.

Magsasalpukan naman ang Barangay Ginebra Kings at Rain or Shine Elasto Painters sa isa pang quarterfinal pair.

Pinangunahan ni Alpha Bangcura ang opensiba ng Express sa itinalang 25 puntos.

Sa unang laro, pinutol ng San Miguel Beermen ang anim na sunog na kabiguan matapos ungusan ang Elasto Painters sa overtime, 121-117. Radito Torres

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply