AJ Perez buhay na buhay sa matang iniwan kay Daniel Delos Santos

LABIS-labis na kasiyahan naman ang ipinahahatid ng pamilya ni Daniel Delos Santos sa pamilya ni AJ Perez na siyang nag-donate ng mata ng yumaong young actor kay Daniel.

Kaya very thankful naman ang pamilya Delos Santos at mismong si Daniel dahil siya ang nabiyayaan ng mata ni AJ.

Kapag naging tagumpay ang cornea transplant kay Daniel ay mananatiling buhay para sa pamilya ni AJ ang namayapang aktor.

Habang tinitipa ito, sumasailalim na sa operation si Daniel sa tinatawag na cornea transplant kaya naman nanawagan ang pamilya ni AJ at pamilya ni Daniel na ipag-pray na sana ay maging matagumpay ang operasyon.

Kapag nakakita si Daniel ay walang kasing ligaya na siyang nilalang at ang pinapangarap niyang makakita sa pamamagitan ng mata ni AJ ay wala daw katumbas na salapi.

Kapag natapos ang operasyon ay one year din ang hihintayin ni Daniel kung tutuluyan na ba siyang makakakita.

At within one year matapos ang operasyon kapag nakakita na si Daniel ay gusto naman nito na personal na magpasalamat sa pamilya ni AJ at siya ang masuwerte na nabigyan ng mata ng namayapang batang aktor.

Kasalukuyang nasa-operasyon si Daniel sa pagsasalin ng mata ni AJ ay ganun na lang ang pasasalamat ang pinaparating ng pamilya ni Daniel. All systems go for na raw at ang newsbreak ay tagumpay ang operasyon.
Congratulations!

oOo

Sarah G. walang kasing-‘ampalaya’ kay Charice at Manny hahaha!

KAHIT nga may anunsiyo na, na si Charice Pempengco na ang aawit ng “Lupang Hinirang” sa laban nina Manny Pacquiao at Sugar Shane Mosley sa Mayo.

Umaasa at malaki naman ang tsansa ng kampo ni Sarah Geronimo na baka mabago ang takbo at ihip ng panahon ay willing naman din si Pop Princess na umawit ng pamabansang awit.

May panahon pa nga raw at buo ang kompiyansa ng kampo ni Sarah na siya na ang kakanta sa nasabing laban.

Kaso malabo na raw yun mangyari dahil desisyon na at alam na ng buong mundo na ang international sensational singer na si Charice ang kakanta at bibirit sa laban ni Pacman.

Kaya malabo na daw ang inaasam-asam ng kampo ni Sarah na makakanta sa laban ni Pacman.

Mismo naman si Manny Pacquiao ang pumili sa international singing sensation.

Wala namang masabi ang kampo ni Manny kung bakit hindi kinuha ang serbisyo ni Sarah.

Wala namang sagot at tahimik ang kampo ng Pambansang Kamao hinggil sa isyu kung bakit mas pinili nito si Charice kaysa kay Sarah.

Ayon naman sa ilang fans ni Pacquiao mas type nila na si Charice na ang umawit dahil nasa Tate na ito at nakapangako na raw sa manager ni Charice na si Ophra na siya na ang kakanta ng national anthem.

Wala na rin kuwestiyon kay Charice kung paghataw ng kanta ang pag-uusapan dahil katulad ng Pambansang Kamao ay naghatid na din ng maraming karangalan si Charice sa ating bansa.

At wala na daw magagawa ang kampo ni Sarah sa paghahabol.

Well, excited naman ang lahat dahil dalawang Pinoy pride ng ating bansa ang matutunghayan sa nalalapit na laban ng anak ni Mommy Dionesia.

oOo

RATCATS Phils. ni Rigor Aguila sa Victory Mall

ISA lang si Faith Vargas sa mga talents ng RATCAT Phils. na tunay na masasabing goldmine kaya huwag nang mag- atubili pa diyan at magtungo na sa Victory Mall sa Caloocan, Monumento at magpatala para maging kabahagi at maging makabuluhan ang inyong summer vacation mga talentadong Pinoy. Go na at look for Bernie!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply