Alakim dinadaut-daut ang ‘Talentadong Pinoy’

MALAKING bagay na rin daw para kay Alakim ang pagiging isa sa grand finalists ng “Pilipinas Got Talent.”

But what’s next after “Pilipinas Got Talent?”

“Sasali kasi ako sa FISM World Championship of Magic sa England next year.  Dyan nag-champion sina Lance Burton.  Maraming nakikilala sa competition na ‘yan.

“At nakakatuwa na may mga sponsor akong mga kaibigang negosyante na siyang nangakong sasagot ng gastos ko sa pagsali ko roon.  July 2012 ‘yon.  Pero ngayon pa lang, pinaghahandaan ko na.  This year, magku-qualifying round muna ako.

“Kada tatlong taon ‘yong competition.  So instead of waiting for another three years,  dumating ang “Pilipinas Got Talent,” marami ang nagtutulak sa akin na sumali.  Sabi ko, ayoko, kasi Presidente ako that time ng MAGFI (Magician Foundation Inc.).  Kami ‘yong first and biggest magic club sa Pilipinas.

“At saka sabi ko pa— ‘pag sumali ako sa Pilipinas Got Talent, talo tayo diyan sa mga singer, eh.  Talo sa singer talaga ang mga magician, ah.  At kaya ayokong sumali, kasi kapag natalo ako, parang lahat ng mga magician natalo.

“Pero sabi nila, sumali pa rin daw ako. Eh… fan ako ng “America ’s Got Talent” kung saan ang nag-champion eh puppeteer.  Kakaudyok sa akin, nag-decide na rin ako na sumali sa ‘Pilipinas Got Talent.’”

Did he also welcome the idea of joining “Talentadong Pinoy,” ang talent search naman ng TV 5?

“’Talentadong Pinoy’ is okay.  Kaya lang, personally, siguro magiging bias ako pero mas type ko ‘yong— biggest network, eh.  Alam naman natin na ang ABS-CBN, worldwide napapanood.”

Bakit nga pala Alakim ang ginagamit niyang screen name?  Ano ba ang ibig sabihin nito?

“Allan (Allan de Paz) is my real name.  And Kimar is my mentor.  Pinagsama ko kaya— Alakim.” Ruben Marasigan

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply