Alert level 2 na sa paligid ng Taal

DAHILAN sa umanoy madalas na pagyanig, posible umanong sumabog ang bulkang Taal kung kaya’t itinaas Sabado, Abril 9, ng mga volcanologists saalert level 2 ang paligid ng bulkan.

Ayon sa  Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) posible aniya ang pagsabog dahil may mga senyales na aniya na maaring bumulwak ang magma sa ibabaw ng bulkan.

Batay sa kanilang naobserbahan sa bulkang Taal, patuloy ito sa pagbubuga ng carbon dioxide na indikasyon ng pag-angat ng kumukulong magma mula sa ilalim ng bulkan.

Dahil dito, inabisuhan ng Phivolcs  ang publiko  na mahigpit nilang ipinagbabawal ang pagpasok sa pinaka bunganga ng bulkan na Daang Kastila Trail at Mt. Tabaro kung saan sumabog ito noong 1965.

Ikinatuwitran ng Phivolcs na itinaas nila sa alert level ang estado ng bulkan dahil sa patuloy na seismic activity nito dulot ng mga pagyanig na umabot sa 21 beses sa nakalipas na magdamag .

Umabot na rin sa may 1,875 na tonelada ang ibinubugang carbon dioxide bawat araw galing sa main crater ng bulkan magmula ng Pebrero 2011 at 4,670 tonelada bawat araw noong nakaraang linggo. Alex Ching

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply