Alvarez, Gualberto ng BOC wasak kay Santos

NAKU PO, bakit nga ba hindi mapahinto-hinto ang smuggling diyan sa Bureau of Customs? E paano may matitibay na ismagler na hindi matibag-tibag.

Katulad na lang nitong isang Edwin Santos, kilalang ismagler umano riyan sa BOC.

Ayon sa ating spy riyan, hindi umano nagbabayad ng tamang buwis ang kompanya nitong si Santos.

BOC Commissioner Angelito Alvarez at Gen. Nestorio Gualberto, direktor ng Bureau of Customs-Enforcement and Security Service, paano ba ito? Magbubulag-bulagan ba kayo sa aktibidades nitong si Santos? Alam na alam iyan sa BOC, paanong nakalulusot sa galing, tikas at talino ninyo ang ismagler na ito na sumisira sa imahe ng ahensiya at nagpapahirap sa taumbayan?

Madaling ma-verify ito. Walang mawawala kung mag-dispatch ng isang team para imbestigahan ang Santos na ito. Si Santos ang president at general manager ng JV International Customs Brokerage na may opisina  sa ground floor ng Casa Solanda Building sa Anda Street sa Intramuros, Manila.

Pakipa-memorize sa mga tao ninyo iyang info, Sir Alvarez at Sir Gualberto. Alam naman nating hindi ninyo matitimbog ang lahat ng mga ismagler diyan kung hindi makikipagtulungan ang mga mamamayang katulad namin, kaya naman tayo ay nakikipagtulungan sa inyong liderato upang matamo na natin ang “daang matuwid” para umasenso na ang bayan nating Pinas.

Si Santos umano ay kilalang ismagler ng peking duck at ukay-ukay. Bukod dito, ipinagmamalaki ni Santos na lubhang malupit ang konek niya sa BOC, kaya ‘yung ibang gustong magparating at magpalusot sa BOC ay siya na rin ang ginagamit.

Dapat na talagang ma-correct itong si Santos, astang hari ito. Milyon-milyon ang nawawala sa kaban ng bayan dahil sa mga iligal na gawain niyan at kwidaw kayo, Sirs. Bukambibig niyan ang pangalang Alvarez at Gualberto na parang mga tauhan lang niya kung sambitin niya ang mga pangalan ninyo.

Hindi naniniwala ang inyong abang lingkod na nakikipagsabwatan kayo sa isang katulad nitong si Santos. Kaya kayo inilagay ni PNoy sa mga pwesto ninyo dahil naniniwala ang Pangulo sa integridad ninyo.

Huwag naman sanang sirain ng isang Santos lamang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply