Ama binoga ng ampon, utas

TODAS ang isang lalaki matapos na pagbabarilin ng kanyang ampon sa sariling bahay sa Muntinlupa City, Sabado ng hapon, Abril 16.

Isinugod pa ng mga kasambahay ang biktimang si Emmanuel Catillo, 61, negosyante subalit patay na nang idating ito sa Asian Hospital dahil sa mga tinamong mga tama ng bala ng kalibre .45 sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Naaresto naman ng mga security guard ng Ayala Alabang Village ang suspek na si Eric Castillo at nabawi rin ang model 1911 na kalibre .45 baril na ginamit niya sa pagpatay sa umaruga at itinuturing niyang ama.

Lumabas sa imbestigasyon ng mga tauhan ni Supt. Eliazar Matta, officer-in-charge ng Muntinlupa police, naganap ang pamamaslang sa loob mismo ng bahay ng mag-amain sa Unit 16 Ayala Alabang Town Homes, Acacia Avenue, Alabang dakong 5:15 ng hapon.

Sa ipinadalang impormasyon ni Chief Insp. Jenny Tecson, hepe ng Public Information Office ng Southern Police District (PIO-SPD), nasaksihan ng kasambahay na si Samantha Murzo, 31, ang umano’y mainitang pagtatalo ng mag-amain na humantong sa pamamaril ng suspek sa biktima.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa naturang pamamaslang bunga na rin ng pananahimik  ng suspek matapos ang ginawang krimen. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply