Ama binoga, sinunog ng anak

PINATAY habang natutulog ng isang anak ang kanyang ama sa pamamagitan ng pagbaril at pagsunog sa bangkay sa Barangay Abonet, San Carlos, Pangasinan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nakilala ang nasawi na si Pedro de Vera , 72, residente ng nasabi ring lugar habang ang suspek ay nakilalang si Jerry, 22, anak ng biktima, binata.

Nabatid na bago ang pamamaslang, nag-away ang mag-ama matapos pagsabihan ang biktima na mistulang pinagbibintangan na siyang kumuha sa itinatago nitong pera.

Ikinagalit ito ng suspek at nagdilim ang paningin kung saan nang makitang natutulog na ang ama ay binaril nito sa ulo gamit ang sumpak.

Wasak ang ulo ng biktima at nang makitang patay na ang ama ay itinapon sa septic tank malapit sa kanilang bahay at sinunog pa ang bangkay.

Napag-alamang ang mga kapit bahay ang nakadiskubre sa sunog na bangkay na agad namang inireport sa pulisya.

Agad na naaresto ang suspek sa bahay ng kanyang kasintahan sa San Jacinto.

Nakatakdang kasuhan ng parricide ng mga awtoridad si Jerry. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply