American gov’t magsa-shutdown?

NAKATAKDANG tumigil ang pagpapatakbo ng gobyerno ng Amerika matapos hindi pa magkasundo ang Republicans at Democrats sa kanilang budget proposals.

Kailangan maipasa ang naturang budget bago sumapit ang Biyernes dahil kung hindi, wala na umanong magagawa ang gobyerno ni President Barack Obama kundi tumigil muna dahil sa kawalan ng budget upang patakbuhin ang gobyerno.

Nauna nang binalaan na ng Whitehouse ang lahat ng ahensiya ng gobyerno na pansamantalang titigil muna ito kapag hindi naipasa ang bugdet bago ang hatinggabi ng Biyernes.

Nagkakaroon ng problema ang dalawang grupo dahil gusto ng kabila na bawasan ang government spending ng $33 bilyong dolyar. Nagpanukala pa ang mga republicans na hihingi pa sila ng isang linggong palugit para mapasa ang budget dahil gusto pa nila itong bawasan ng karagdagang $12 bilyong dolyar.

Subalit kinontra ito ng mga democrats dahil hindi umano ito katanggap-tanggap.

“I don’t know if we will need divine inspiration or divine interjection into this matter, but whatever it might take, I hope people of good will can come to an agreement,” ayon kay Democratic Senator Dick Durbin. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply