Anak inanakan ng 2 beses ni itay

PATUNG-PATONG na kaso ang kakaharapin ng isang padre de pamilya matapos gawing sex slave ang sariling anak hanggang sa mabuntis ito sa lungsod ng Mandaue, Cebu City.

Sa report ng Mandaue City na ipinadala sa Camp Crame, nagsadya sa kanilang himpilan si Angela (‘di tunay na pangalan), 20, upang sampahan ng kasong panggagahasa ang ama na hindi pinabanggit ang pangalan.

Ayon sa biktima, 10 taong gulang pa lamang siya ay pinagsasamantalahan na siya ng ama.

Sinabi pa ni Angela na hindi na niya kaya pa ang ginagawang pagmamaltrato sa kanya ng ama kung kaya’t naisipan na niyang magsumbong sa mga pulis.

Nabatid naman sa pahayag ni P/Insp. Wilson Abot, chief of police ng Opao Police Station, sa loob ng sampung taong pagsasama ng biktima at ama nito ay nagkaanak ang mga ito ng dalawa.

Diumano, nang matuklasan ng ina ni Angela ang pang-hahalay rito ng asawa ay hiniwalayan niya ito kasama ang tatlo pang anak.

Tanging si Angela ang naiwan sa piling ng ama kaya nagpatuloy ang panghahalay rito.

Dagdag pa ni Angela, hindi niya nagawang lumayas sa piling ng ama sa dahilang pinagbantaan siya nito na papatayin kapag tumakas.

Arestado na ang suspek na isang taxi driver at inihahanda na ang mga kasong isasampa laban sa kanya. Evelyn Garcia

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply