Anak ng negosyante, nagbaril sa sarili

CABANATUAN CITY – Isang anak ng negosyante sa lungsod ang nagpakamatay sa loob ng opisina ng Petron Gasoline Station sa tabi ng Cabanatuan City Transport Terminal Biyernes, Abril 15.

Sa imbestigasyon ng Cabanatuan City police at SOCO Team  ng Nueva Ecija Provincial Crime Laboratory Office ay nakilala ang biktima na si Herminio Lagamayo, Jr. ng 345 Gen. Tinio Ext. Kapitan Pepe Subdivision.

Nabatid na dumating ang biktima sa Petron Gasoline Station bandang alas-9:00 ng umaga at diretsong  pumasok sa  opisina ng ama na si Herminio Sr. at doon nagkulong.

Nang makarinig sila ng isang putok na nanggaling sa loob ng opisina. Kaagad nilang sinira ang pinto para makita ang kaganapan sa loob.

Nakita nila ang biktima na nakaupo sa silya hawak pa sa kanang kamay ang kalibre .45 at duguan.

Narekober ang kalibre .45 pistol na may serial number 507435 at magazine na may pitong live ammo.

Kaagad na dinala ang biktima sa Immaculate Concepcion Medical Center subalit wala ng nagawa ang mga doktor.

Sinabi naman ng girlfriend nito na si Racheliz Parameo, 29,  na nag-text pa ang biktima sa kanya bandang 8:30 ng umagana nagsabi ng “MOMI I LOVE U, BYE BYE PASENSYA NA.” Ver Sta. Ana

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply