Ang ‘multong’ Brgy. 544 Zone 54 ng Maynila

ALAM kaya ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at ng Pamahalaang Panglungsod ng Maynila, partikular ang Barangay Bureau, na may barangay sa Sampaloc na wala nang mga residente doon?

Nilusaw na ang Barangay 544 Zone 54, na dating nasa Antipolo St. sa kahabaan ng riles ng tren, noong taong 2006. Ito ay sakop ng ika-apat na distrito ng Maynila.

Ang Barangay 544 Zone 54 ay nilamon ng demolisyon sa mga taong 2006 at 2007 at ang bukod tanging narangay na lubos na nawala.

Kaya’t ito ay tinuring na “barangay washed out” dahil kahit isang pamilya ay walang natira sa nasabing lugar.

Gayunpaman, may pondo pa rin itong natatanggap at may mga opisyal itong patuloy na pinasuwelduhan.

Umaabot sa P1 milyon kada taon.

Nagkahiwa-hiwalay na nga ang mga residente nito at napunta sa mga relocation site na inihanda ng administrasyong Arroyo. Sila ay nagsipunta na sa iba’t ibang lugar tulad ng: Trece Martires sa Cavite; Sta. Rosa at Cabuyao sa Laguna; at Marilao, Bocaue, Batia, Marinig, Tower Ville sa Bulacan.

Ang ilan sa kanila ay kasalukuyang nakatira sa mga kalye ng Maynila.

Mula Agosto 2007 ay malinis na ang Barangay 544 Zone 54. Sa kabila nito, may mga opisyal pa rin umuupo ditto. Si Samuel Aquino, dating koronel ng kapulisan, ang chairman ng barangay hanggang nuong Oktobre 2010.

Noong eleksyon para sa mga opisyal ng barangay noong Oktubre 2010 ay pinayagan ng Commission on Elections (Comelec) na magkaroon ng halalan sa “multong” barangay.

Ang kasalukuyang chairman ng barangay ay isang nagngangalang Eric Reyes, alyas Eya. Kumpleto ang lineup ng mga kagawad ng Barangay 544.

Siyempre, patuloy ang mga ito sa pagpapasweldo sa sarili sa kabila ng katotohanang wala naman silang pinamamahalaan o mga proyekto man lamang. Juliet Q. Pacot

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply