Ang mga malalanding balyena sa Camiguin ni Kiko Rustia

HINDI raw pinanghihinaan ng loob ang team nila Kiko Rustia sa  “Born To Be Wild” with host Doc Ferds Recio sa mga panahong sobrang laki ng mga alon at ‘di pwedeng mag-abang ng mga malalandi at nagbobonggahang balyena na di mo alam kung kailan magpapakita kaya kailangang abangan mo sila to death.

Pero matapos ang ilang araw na paghihintay, gumanda ang panahon at sumikat ang araw, may mga sumorpresang nagpakita sa “Born …” team – humpback whales ( mga balyena nga) sa tulong ng mga kaibigan sa lugar tulad ng local artist na si Omel, ang whale researcher na si A.G. Sano at si Fr. Joemar na sabi pa ni Madema Eden Carlos ay sila ang nagbigay ng matutuluyan sa team noong nakaraang taon.

Hindi bababa sa sampung whales sharks ang lumalangoy sa paligid ng bangka. Makikita ito sa “The Born Expeditions III: Whales” sa “Born To Be Wild” ngayon Miyerkules, Abril 13.

Sina Doc Ferds, nag-dive mismo para makita  ang mga ito ng malapitan.  Exciting ito kahit sa TV lang natin mapapanood, promise. Bernie Villaflor

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply