Ang PNP ni Pinoy at ang PNP Highway Patrol Group

NASAAN na ang tunay na magigiting na opisyal ng Philippine National Police?

Yan ang hinahanap ng ating uzi makaraang makitang ang naghaharing uri ngayon sa PNP ay ang mga pinayaman din ng dating administrasyong Arroyo. Gaya na raw lang ng mga tinaguriang PNP Hawaii Five O o mga heneral na nagtungo sa Hawaii para dayain sana si Pang. Noynoy Aquino noong halalan.

Ang ganda na sana ng plano pero sa kanilang ginawang pagsusuri ay hindi pala talaga kayang dayain ang picos machines. Kaya pag-uwi ng Hawaii Five O sa Pilipinas ay “plan B” kaagad ang naging diskarte nila. Bumaliktad ang grupo mula kay Gibo at sumama kay Noynoy ang mga buwayang heneral.

Hayun! Nabola naman kaagad si Rico Puno. Kaya ngayon ang mga nakapuwesto ay yun pang nagpasasa sa kawalanghiyaan ng nakaraang administrasyon.

Nasaan na si Gen. Benjie Belarmino na harapang dumeklara na si Noynoy talaga ang aalagaan n’yang  boto? Nasaan ba si Gen. Raul Bacalzo noong kailangan ni Noynoy ng tunay na tulong ng isang pulis? At siyempre huwag din nating kalilimutan kung nasaan noon ang hepe ng Maritime Group na si Gen. Don Montenegro?

He! He! He! Kung ganito ang sitwasyon na nangyayari sa PNP… hindi kaya dumating ang panahon na “ang upuan ng PNOY ay hindi mag-init at mayroong mang-agaw dahil kalaban n’ya pala ang nasa kanyang paligid?”

Nagtatanong lang po!

oOo

“CARNAPPING” yan ang mainit na usapin ngayon dahil talaga nga namang harapan na ang nakawan ng sasakyan sa buong Pilipinas.

Pero sa pamumuno ni PNP Highway Patrol Group Director C/Supt. Leonardo Espina makikita nating may ginagawa naman talaga ang Highway Patrol. Bumaba na ang bilang ng carnapping incident simula nang siya ang naging hepe ng PNP-HPG at totoo naman.

Pero ano itong sumbong nang ating uzi na sinasabing mismong HPG ay hijacking con hulidap ang diskarte?  Tingnan na lang ang nangyaring sapilitang na pagdadala ng isang trak ng asukal sa loob ng Crame.

“SMUGGLING!” daw ang ikakaso sa drayber at ahente ng kargamento na kasamang dinala sa Crame.

Gabi na nang harangin ng mga hijacker-hulidaper ang naturang trak  kaya sinabi ng ahente na dadalhin na lang kinabukasan ang dokumento dahil sarado na ang opisina. May nagalit umano sa HPG at sinabing “tutuluyan” na lang daw niya. Ang  tanong natin, mga Bro, ay… kelan pa naging Bureau of Customs ang Camp Crame?

Ano ba ang initial violation kaya’t nagkaroon ng dahilan na manita ang mga yan? Mabuti na lang at hindi kunsintidor itong si Gen. Espina kaya’t ipinag-utos nito nai-release ang nasabing trak at mga tao.

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply