Ang tapang mo!

DAPAT mapanood mo ang Deadline, isang matapang na pelikula.

Matapang na inilarawan dito ang mga bagay na hindi pangkaraniwang pinag-uusapan tulad ng maaaring sabwatan ng ilang opisyal ng gobyerno at mga tiwaling pulitiko.

Buong tapang din na isinalarawan ang walang habas na pagpatay sa ating mga journalists na tanging hangad ay ibunyag ang katiwalian. Lumapit sa akin ang aking mga kaibigan tulad ni Direk Joel Lamangan na  buong tapang akong kinumbinsi na itulak ang pagbuo sa pelikula.

Mula ito sa isang script na matapang na isinulat ni Boni Ylagan. Maliban sa magaling na pagganap, nagpakita din ng katapangan ang cast na pinangungunahan nila Tirso Cruz III, Lovi Poe, TJ Trinidad, Luis Alandy, Ina Feleo, Allen Dizon, at marami pang iba, na pumayag gawin ang pelikula dahil sa paniniwalang panahon na para buong tapang na ihayag ang mensahe nito, na kondenahin ang pagpatay sa mga mamamahayag, bigyang hustisya ang mga biktima, at kondenahin ang pagsuporta ng pamahalaan sa makapangyarihang mga pulitiko.

Matapang na isinalarawan sa Deadline na may ilan ding mga mamamahayag na pinapayagan ang katiwalian sa kanilang propesyon.

Samantalang marami naman ang handang mamatay para sa sinumpaang propesyon tungo sa tuwid na daan. Katapangan ang inspirasyon ng Deadline. Katapangan na rin sa namin sa AEI Movie Production ang sumubok sa ganitong uri ng pelikula at umasa na susuportahan ng masa.

Ang mensahe ng Deadline ay magpapabago sa pag-iisip at damdamin ng Pilipino. Saludo ako sa Xiti Movie Production sa tapang nilang gastusan ang Deadline. Maraming salamat po. Saludo ako sa mamamahayag na hindi bumibitaw sa pakikipaglaban para sa katotohanan.  Sana ay mabigyan na ng hustisya ang mga pinaslang na mga journalists dahil sa kanilang katapangan.

Saludo ako sa kaibigan kong si Benny Antiporda, ang past president ng National Press Club na tutok sa isyung ito.

Ang Deadline ay para sa mga pinatay na journalists, sa kanilang mga naulila at para sa mga patuloy na sumusuong sa panganib alang-alang sa bayan.

Suportahan po natin ang Deadline, malapit na sa mga sinehan.

Mag-text po kayo sa akin sa 09209280847 o email sa: ariel.inton@gmail.com. Mahalaga sa akin na malaman ang inyong saloobin at opinyon tungkol sa usaping ito. Atty. Ariel Enrile-Inton

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply