Angara oks sa bagong biodegradable water purifying system

PINURI kahapon ni Sen. Edgardo J. Angara ang biodegradable water purifying system na ipakikilala sa Laguna sa Hunyo.

Ito ay isang teknolohiya na ginawa ng grupo ng mga Filipino at ipinresenta sa Washington-based conference na gumagamit ng coconut husks o bunot ng niyog at iba pang lokal na kasangkapan.

“One in every five Filipino families have no access to clean drinking water because purified water is an added expense to the household budget. If this project is implemented in a wide scale, we might be able to provide potable water even to the poorest areas,” ayon sa Senador.

Isang propesor mula sa De La Salle University at isang Fil-Am professor ng Manhattan College ay pinagkalooban ng grant o ayuda ng US Environmental Protection Agency para i-develop ang isang water filter na gawa mula sa mga katutubong mga sangkap.

Tinawag na “Novel Natural Water Filters for Nagcarlan, Philippines”, ang proyekto ay ipinakita sa National Sustainable Design Expo na ginanap sa Washington DC kamakailan.

Ang naturang pagpupulong ay dinaluhan ng mga estudyante, scientists,  engineers at business leaders, na ang kanilang mga teknolohiya ay dinisenyo upang isulong ang ekonomiya ng bansa maging ang ating kalikasan.

Nilinaw pa ni Angara na ang alternatibong ito inisyal na pakikinabangan ng mga naninirahan sa mga lalawigang mahirap makakuha ng malinis na tubig.

Upang kilalanin ang pangangailangan ng water regulatory program bansa,  inihain ni Angara ang Senate Bill No. 2541 o ang “An Act Rationalizing the Economic Regulation of Water Utilities, Creating the Water Regulatory Commission and for Other Purposes”.

“Access to water which is safe for consumption and sanitation should be made available to every Filipino. Unfortunately, those living in tight urban communities and distant rural areas have limited sources for clean water,” dagdag pa ng senador.

Kilala rin bilang Water Regulatory Act ng 2011,  layunin ng nasabing panukala na maglahad ng ligtas at murang suplay ng malinis na inuming  tubig sa buong bansa.

Kapag tuluyang maisabatas, itatag ang  isang independent quasi-judicial body, ang Water Regulatory Commission ay itatatag para pangasiwaan at i-centralize ang regulasyon ng water distributors.

 

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply