Angel, Lloydy kapit-tukong magliliyab

HINDI napigilan ni Luis Manzano ang maluha sa sorpresang hatid sa kanya ng staff ng “Entertainment Live!” sa napaka-espesyal na birthday celebration ng host nila last Satuday.  Personal na binati si Luis ng kanyang ina na si Batangas Governor Vilma Santos sa “E Live!” kasama ang bunsong anak na si Ryan Christian.

Ni-reveal ni Luis sa amin na kasama ang birthday gift ni Gov. Vi sa kanya. Knows kasi ni Gov. Vi na tapos na ang pagre-renovate ng dating bahay niya sa Green meadows na binigay niya kay Luis. So, reding-ready na si Luis para magkaroon ng sarili niyang pamilya.

“Hmmm… let’s  just say na meron ng pundasyon sakaling mag-decide ako na mag-settle down na,” ngiti ng birthday boy.

Sa isang resort sa Batangas daw siya magi-spend ng Holy Week with his friends kasabay ng kanyang birthday on Maunday Thursday. Nasa area rin daw malapit sa pupuntahan niya sa Batangas magho-Holy Week ang friend niya na si Anne Curtis kaya baka magkita-kita na lang daw sila doon.

-0O0-

Mahigit kalahating taon ding pinagliyab ng  tambalang Angel Locsin-John Lloyd Cruz sa “Imortal” ang primetime viewing sa pamamagitan ng matitinding dramactic scenes, makapigil-hiningang mga action moves mula sa mga cast members at mga ‘di inaasahang twists sa kwento.

Sabi nga ni John Lloyd, “Very memorable sa akin ang role ko sa ‘Imortal.’ Ngayon lang ako nag-leather jacket sa Maynila, haha.”

Oo nga naman, hahaha!

Anyway, ang mga huling tagpo sa “Imortal” ay iikot sa laban nina Lia (Angel) at Mateo (John Lloyd) para mapanitiling ligtas ang kanilang pagmamahalan. Sa pag-aakalang maayos na ang lahat, isang bagong propesiya ang uusbong na magiging balakid sa kapayapaang hinahangad ng dalawa.  Kaya kapit na sa “Imortal” mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng “Mara Clara” sa ABS-CBN.

MASTER NA MASTER NA SI KUYA BOY

Overflowing pa rin ang kasiyahan sa mukha ni Boy Abunda nu’ng makatsikahan namin siya  sa “Showbiz News Ngayon” dahil sa pagtatapos niya ng kanyang masteral’s degree sa Philippine Women’s University. Sa susunod na pasukan ipagpapatuloy ni Kuya Boy ang kanyang pag-aaral. This time, doctorate course naman ang kanyang tatapusin sa PWU.

Anyway, isang espesyal na episode ang handog ng ‘The Bottomline” with Boy Abunda bago mag-Mahal na Araw, isang nakaka-inspire na kuwento ng buhay ng “Miracle Kid” na si Fatima Soriano.

Sa kasalukuyan, siya ang napisil na umawit ng themesong ng “100 Days to Heaven” na pagbibidahan nina Ms. Coney Reyes, Jodi Sta. Maria at  Xyriel Ann Manabat. Ang “Mahiwaga” ay unang pinasikat ni Rico J. Puno.

SEN. BONG AT KONG. LANI HANGGANG SA KAMATAYAN MAGSASAMA

Dinumog ng mga taga-Bacoor, Cavite ang binigay na free  concert para sa kauna-unahang birthday celebrtion bilang Kongresista ng kanilang bayan na si Congresswoman  na si Lani Mercado-Bautista sa harapan ng Municipal Hall.

Tinawag naman na Concert Queen ni Senator Bong Revilla Jr. ang kanyang misis na si Cong. Lani. Syempre pa, nakipag-duet si Sen. Bong kay Cong. Lani sa stage sa awiting “Ikaw.”

Sabi ni Cong. Lani, wala na raw siyang mahihiling pa kundi ang mahalin siya habangbuhay ni Sen. Bong na kaharap niya habang sinasabi ang kanyang birthday wish. Mabilis naman ‘tong sinagot ni Sen. Bong na hanggang kamatayan silang dalawa ang magsasama. Julie E.  Bonifacio

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply