Angelica Panganiban at Derek na-bully sa Twitter

PILIT namang sinisira ang relasyon nina Angelica Panganiban at Derek Ramsay, may lumabas kasi na hiwalay na sila.  Pero pinabulaanan ito agad ng dalawa.

Simula ng magkaroon ng kagalit si Angelika sa twitter nang mag -comment tungkol kay Phil Younghusband ay hindi na sila tinigilan ng intriga.

Pero sabi nga ni Angelica sa mga sumisira sa kanilang relasyon ni Derek, “sorry sila dahil sa ginagawa nilang yan lalo kaming sumisikat at kami ang pinaka- in na couple ngayon.”

DINGDONG DANTES UMAMING NAMUMUKING-INA!

Una, blind item lang pero sa huli pinangalanan na kung sino ang aktor na nagtaray, sumigaw o nagmura raw sa mga staff ng isang talk show na sumugod sa tinutuluyan ng artista at  ito ay walang iba kundi si Dingdong Dantes.

Ayon sa kuwento nagulat si Dingdong Dantes nang dumating sa bahay niya na andun na ang crew o staff ng isang talk show.  Ang hindi niya nagustuhan ay iniba raw nito ang ayos ng bahay with out his permission.  Kaya dun daw siya nagalit at nagtaas ng boses.  Kung nagmura man si Dingdong ay hindi na nito inamin, basta sinabi lang niya na nabigla siya kaya napataas ang kanyang boses.

Kahit sino naman siguro ay magagalit kapag pinakialaman ang mga gamit mo sa bahay.  Malabo at nagtataka lang kami sa kuwento kung bakit nakapasok ang mga TV staff sa pad ni Dingdong samantalang wala pa siya at nauna pa nga raw itong dumating sa kanya.  Dapat sinaway ng kasambahay ng aktor kung meron man at pinagsabihan ang staff na huwag galawin ang bahay dahil baka magalit ang kanyang amo.

Hindi namin kinakampihan si Dingdong pero kahit mahaba ang iyong pasensiya kung sumosobra na hindi talaga mapipigilan ang galit. Cita Sarabia

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply