Anong karapatan ni Fanny Serrano na maging best actor?

PANALO so far si Fanny Serrano bilang best actor sa kanyang pagganap sa “Tarima” sa award-giving group made up of school teachers, na ayon sa pinakamataray at most feared critic ng Remate entertainment na si Tony Aguilar na  “Tony A.wards Phil.” ay made up of “schoolmarms” who according to Tony himself cannot decide what to do in life, “magtuturo” ba o maging “film critic.”

Leaves a bad taste in the mouth sabi ni Tony because film criticism is entirely an esoteric discipline. Not all can be film critics even if you are a schoolmarm. In short, kinuwestyon ni Tony Aguilar ang karapatan ng Tanglaw Awards something na magbigay ng awards for movies.

Anyway, di pa napanood ni Tony Aguilar ang “Tarima” kaya wala pa siyang comment rito. Sa ENPRESS naman ay na-nominate si Fanny S. bilang best actor kaso lang hindi siya nanalo sa final reckoning ng grupong ito made up of movie reporters kung saan kasama pa rito ang isang kolumnista ng Remate entertainment na si Nonie Nicasio.

Ang pinakahihintay na lamang sa ngayon na pwedeng mag-vendicate kay Fanny Serrano ay ang PMPC (Phil. Movie Press Club). Di pa out ang nominees ng PMPC Star Awards for Movies, so exciting itong sundan.

Sa Soho International Film Festival sa New York kamakailan lang  ay hindi naman pinalad na manalo si Fanny Serrano sa naturang digital project, nakakuha naman siya ng isang papuri sa isang New York  film critique na si Dilorenzi whose rave review is quoted here in part, “This was a movie (“Tarima”) that I would definitely recommend and hope that many others get to see Mr. Serrano give a flawless and moving performance.” Bravo! Fantastic! “

For the meantime, hihintayin natin ang review ng Tony A.wards Phil.  sa “Tarima” dito sa Remate entertainment. Papasa kaya ito sa pihikang panlasa ng official reviewer ng Remate entertainment na si Tony Aguilar? Abangan!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply