Anti-measles campaign, inilunsad sa Parañaque

PINASIMULAN ng pamahalaang lokal ng Parañaque ang paglulunsad ng kampanya laban sa tigdas o measles kaninang umaga, April 4.

Ang kampanya ay kaugnay sa kautusan ni Interior and Local Government secretary Jesse M. Robredo sa lahat ng lokal na pamahalaan na suportahan ang measles-rubella supplementation immunization campaign ng Department of Health (DOH).

Kasama sa ipinalabas na derektiba ni Robredo, ang lahat ng provincial governors, city at municipal mayors, at maging ang punong barangays, ay hinikayat din ni Robredo sa nabanggit na pamunuan na pangunahan ang pagpapalaganp ng kaalaman para makaiwas sa sakit na tigdas.

Ang paglulunsad ng kampanya ay upang ituon ang buong puwersa ng pamahalaan para maalis ang paglaganap ng naturang karamdaman sa likod ng layunin ng pamahalaan na mabawasan ang paglaganap ng tigdas.

Sa Parañaque City pina-igting ng DOH at World Health Organization (WHO) ang ‘door-to-door campaign’ o pagbabahay-bahay ng mga health worker para bakunahan kontra-tigdas ang mga batang may edad siyam na buwan hanggang walong taong gulang.

Mag-iikot ang mga health worker sa mga komunidad para magbakuna, kasabay ng pagpapakalat ng mga impormasyon upang maiwasan ang tigdas.

May P6 milyon ang inilaang pondo ng pamahalaan para sa special campaign na tatagal ng hanggang sa Mayo 4. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply