Bong: Lakas di reresbak sa PNoy administration

ITINANGGI kahapon ni Senador Ramon Revilla Jr., na ipinag-utos niya sa kanyang mga kasamahan sa Lakas-Kampi- CMD na buweltahan ang administrasyong Aquino dahil sa sunod-sunod na pagkilos laban sa mga kaalyado ng nakaraang administrasyon.

Giit ng senador, nananatiling kaalyado ng administrasyon ang kanilang partido lalo na sa kampanya ng gobyerno na labanan ang kahirapan at katiwalian sa bansa.

Ayon pa kay Revilla, hindi ito ang tamang panahon para magbangayan sa halip ay dapat umanong magkaisa para tutukan ang kapakanan ng taong  bayan.

Dagdag ng senador, magpapatuloy ang partido sa tungkulin nitong pagpapatupad ng check and balance laban sa kasalukuyang administrasyon.

Magugunitang noong nakaraang linggo ay patung-patong na kaso ang inihain ng BIR sa DoJ laban kay Ang Galing Pinoy Rep. Mikey Arroyo at sa asawa nitong si Angela. Vicky Cervales

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply