Arabian national ninakawan na, binaril pa

KRITIKAL ang isang estudyante na Arabian national makaraang barilin ng isa sa apat na magnanakaw na nanloob sa kanilang bahay, Huwebes ng tanghali, Abirl 14, sa Las Pinas City.

Inoobserbahan ng mga mangagamot dahil sa tama ng bala sa sikmura sa Olivarez Medical Hospital ang biktimang si Malek Al-Shalout, 21, college student ng University of Perpetual Help Las Pinas at naninirahan sa No. 003 Valerio st., Gatchalian Subdivision, Manuyo 2, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Las Pinas police, dakong alas-11 ng umaga nang pasukin ng apat na armadong lalaki ang bahay na pag-aari ni Rutchel Al-Shomali.

Sinabi ng kasambahay na si April Ann Tolentino, 24, isa umano sa mga suspek ang umakyat sa kanilang bakod at siyang nagbukas sa kanilang gate kaya nagawang makapasok ng mga kasamahan.

Agad na tinutukan ng baril ng mga magnanakaw ang naabutang si Tolentino at ang biktimang si Al-Shalaout na nagsabing kunin ang lahat ng nais huwag lamang silang sasaktan.

Tinangay naman ng mga magnanakaw ang iba’t-ibang alahas na nagkakahalaga ng P200,000, wallet na naglalaman ng hindi mabatid na halaga, P1,700 cash, 50 dinar at isang Rolex na relo.

Bago tumakas, pinaputukan muna ng isa sa mga salarin ang biktimang si Al-Shalout saka sumakay sa isang itim na Toyota Fortuner (NQP-136). Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply