Ari-arian ng Ligots sa US, sinauli na sa PH govt

ISASAULI na ng American government sa Pilipinas ang mga kinumpiskang ari-arian ng kontrobersyal na mag-asawang Ligot.

Mismong si US Ambassador Harry Thomas, Jr. ang nag-anunsyo kay Justice Sec. Leila De Lima na naisauli na sa Philippine government ang umano’y tagong-yaman, kabilang na ang ilang ari-arian, ni dating AFP comptroller, Gen. Jacinto Ligot na nasa Amerika.

Sinabi ni Thomas na ang $132,000 ay pang-una pa lamang at ito’y masusundan pa sa mga susunod na araw. Tumanggi muna si Thomas na ihayag kung magkano iyong mga susunod pa nilang itu-turn-over.

Ang pagturn-over ng nasabing halaga ay bahagi ng programang Mutual Legal Assistance Treaty (MLAT) at ang nasabing halaga ay ilalaan para sa mga mamamayang Pilipino.

Matatandaang kahapon ay humarap sa preliminary investigation ang mag-asawang Ligot para sa tax evasion case na kinakaharap sa Department of Justice. Teresa Tavares

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply