Army officer, 2 pa pinatay saka sinunog sa bus

PATAY ang isang Army major, kanyang asawa at isang kagawad ng CAFGU nang pagbabarilin ng apat na hinihinalang kasapi ng lawless criminal syndicate bago sinunog sa loob ng  pampasaherong bus na kanilang sinasakyan, iniulat ng militar.

Ayon kay Army Ltcol Randolph Cabangbang, tagapagsalita ng AFP Western Mindanao Command, naganap ang krimen bandang 8:30 ng gabi sa bisinidad ng Barangay Upper Tungawan, Tungawan Zamboanga, Sibugay Peninsula.

Sa ulat ay naunang pinasok ng apat na armadong suspek ang isang rural passenger bus (9342) na patungong Zamboanga City mula Pagadian City, kinalululanan ng mga biktima.

Dito ay agad na nagdeklara ng holdap ang apat saka unang binaril si Civilian Armed Auxilliary Lito dela Cruz gamit ang kalibre 45 pistola.

Sumunod na inutas ng mga salarin si Maj, Julistidi Arasid ng Army 18th Infantry Battalion, maging ang kanyang misis na kanyang katabi.

Matapos malimas ang mga gamit ng iba pang pasahero ay siniliban ng mga suspek ang pampasaherong bus kasama ang bangkay ng tatlong biktima.

Nagsagawa na ng hot pursuit operation ang awtoridad. Verlin Ruiz

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply