Asaran sa ‘peace talks’

MATINDI pala ang intriga sa usapang pangkapayapaan sa pamamagitan ng gobyerno ng Pilipinas at ng National Democratic Front.

Ayon sa ating “source,” noong Pebrero ay nagkasundo na sana na mag-uusap ang magkabilang panig para sa susunod na “round” ng negosasyon ngayong darating na mga buwan. At dito dapat sa Pilipinas gagawin ang pag-uusap.

Naunsyami ang plano at di napirmahan ang isang kasunduan dahil humirit daw itong kinatawan ng pamahalaan na “ceasefire” muna habang nag-uusap.

Umayaw naman daw ang NDF. Siyempre pa. Bakit daw may kundisyon ang pag-uusap. Hindi raw ito nakasulat sa “agreements” na kanila nang nilagdaan.

Kung ayaw n’yo ng ceasefire, huwag na muna tayong mag-usap, ayon sa kinatawan ng gobyerno. Ang sagot naman daw ng NDF: “E di huwag.”

Nasa Pilipinas ngayon ang mga kinatawan ng NDF. Umiikot pa nga sila sa mga forum at miting. Merong ginawang pulong sa La Salle, sa Maynila, nitong nakaraang linggo. Meron din daw sa Pampanga. Magkakaroon naman sa Mindanao sa darating na mga araw.

Naitanong ko tuloy sa ating “source” kung nag-uusap na ba ang magkabilang panig. Aniya, ayaw daw ipaalam sa media ng gobyerno kasi magmumukhang tanga ang kinatawan ng pamahalaan dahil aayaw-ayaw tapos susuko rin naman pala.

Ano ba naman yan. Nagyabang pa man din ang gobyerno na matatapos na ang problema sa insurhensiya ng mga komunista sa loob ng 18 buwan, tapos nag-iinarte pa itong mga “peace negotiators” natin.

Talaga lang ha. Magkakaroon na tayo ng “peace” sa susunod na taon? Pera kaya, magkakaroon na ang mga Pinoy? Kasi sa tingin po natin, kahit na may usapang pangkapayapaan pero di natutugunan ang mga batayang pangangailangan ng taumbayan patuloy pa rin ang pag-aaklas ng mga mamamayan.

Dapat magdahan-dahan ang mga “peace negotiators” natin sa mga binibitawan nilang mga salita na kesyo matatanda na lang ang natitirang mga rebelde. E ‘pag naasar yang mga matatanda na yan at palusubin ang mga bata. Tapos ang “peace talks!” Joe Torres

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply