Assistance desk sa mga terminal itinalaga ng LTO-South Cotabato

SIMULA Huwebes, Abril 21, magtatalaga ang tanggapan ng Land Transportation Office (LTO)-South Cotobato ng mga assistance desk sa mga istasyon ng bus at van sa Koronadal City.

Ang pagtatalaga ng assistance desk bilang suporta sa Oplan Lakbay Alalay sa Semana Santa sa lalawigan at tutulong sa mga motorista sa mga pangunahing daan.

Ayon kay Law Enforcement Officer Abugantao Usman, tutulong din sila kapulisan at iba pang ahensiya ng pamahalaan sa pagbibigay ayuda sa mga mamamayang bumibiyahe sa iba’t-ibang lugar.

Aniya, kabilang sa kanilang pagtutuunan ng pansin ang pagbibigay payo sa mga motorista at biyahero lalo na sa overloading at iba pang sitwasyon na maaring magdulot ng peligro sa buhay ng mga naglalakbay.

Payo pa ni Usman sa mga motorista, iwasan ang pagmamaneho ng lasing at pagkarga ng lampas sa kapasidad ng sasakyan upang maiwasan ang disgrasya.

Nakatutulong din umano ang masusing pagsusuri sa sasakyan tulad ng brake, karburador, mga gulong at iba pang parte nito bago bumiyahe.

Samantala, kasabay ng paggunita ang Semana Santa ay pansamantalang sinuspende ng LTO ang pagdakip sa mga lumalabag sa batas trapiko.

Ibabalik ang kanilang operasyon laban sa mga lumalabag sa Lunes, Abril 25. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply