Assistant cook tigok sa restawran

PATAY ang isang 32-anyos na assitant cook nang matagpuan itong nakahiga sa loob ng kanyang pinapasukang restaurant  sa Sampaloc, Maynila Sabado ng gabi, Abril 9.

Kinilala ni P/Insp.Armand Macaraeg, hepe ng MPD-HOmicide Section ang biktima na si Arnel Catindoy,32, may-asawa, assitant cook at stay-in sa NITZ Restaurant sa 1250 España Boulevard at P.Noval St.,Sampaloc,sa nasabing lungsod.

Sa report ni PO2 Roderick Pacilan, dakong 7:45 ng gabi nang madiskubreng patay na ang biktima ng kanyang kasamahan sa trabaho na si Ruel Sadia.

Tutulungan sana ito ni Sadia sa mga pagtanggap ng mga food supply ngunit ng kamita ang biktima at wala nang buhay.

Ayon pa kay Sadia, ilang beses umano siyang kumakatok ngunit walang sumasagot  kaya tinawag niya ang kahera ng nasabing reaturant na si Joy Represo upang sabihin na hindi sumasagot ang biktima.

Gamit ang duplicate key ay napasok nila ang loob ng restaurant kung saan nakita pang nakahiga ang biktima at may nakaipit pang toothpick sa kanyang bibig ngunit malamig na ang katawan nito.

Ayon sa pulisya, bukas pa umano ang ilaw at TV kaya’t posibleng nanonood umano ang biktima bago ito namatay.

Hinihinalang binangungot ang biktima.

Huling nakitang buhay ang biktima dakong 3:30 ng hapon nang bumili ito ng sigarilyo.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya kung may naganap na foul play sa insidente.

Dinala ang bangkay ng biktima sa Universal Funeral para sa autopsy at safekeeping. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply