Attrition Law sisilipin kung naipapatupad

ISINULONG ni House Deputy Minority Leader Danilo Suarez ang pagsilip ng Kamara kung naipatutupad ng administrasyong Aquino ang Lateral Attrition Law.

Ito ang batas na nag-uutos na dapat tanggalin ang mga opisyal ng Bureau of Customs at Bureau  of Internal Revenue kapag sila ay nagkulang sa koleksyon ng buwis at dapat namang tumanggap ng pabuya o dagdag benepisyo kapag lumagpas sa kota ang koleksyon.

Sa pamamagitan ng House Resolution 877 na inihain ni Suarez, pangunahing may-akda ng naturang batas, iginiit na kailangang madetermina ng Kongreso kung naipatutupad ang Republic Act 9335 o Lateral Attrition Law dahil nitong December 2010 ay kinapos ang koleksyon ng dalawang ahensya.

Ang nabanggit na batas ay nilagdaan ni dating Pangulong Gloria Arroyo noong 2005.

“Those short of their collection targets by at least 7.5 percent would be dismissed from service while those who go beyond expectations would be given incentives which may include cash (if revenue collections exceed the target by 30 percent or below, 15 percent of the excess will accrue to a rewards fund),” nakasaad dito.

Inaatasan din ng batas ang mga komisyonado ng BIR at BOC na magsumite ng report ukol sa tax collections sa siyam na miembro ng RPEB na pinamumunuan ng Secretary of Finance o ng kaniyang kinatawan.

Taong 2008 nang ipalabas ng Supreme Court (SC) ang 41-pahinang desisyon  na nagsasabing salig sa batas ang Attrition Law at legal ang pagbibigay ng pabuya sa mga opisyal ng C at BIR kapag lumagpas sa kota ang koleksyon sa buwis at pagpapatalsik sa mga ito kung kapos ang koleksyon. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply