Aurora, Bukidnon at Occidental Mindoro nilindol

NILINDOL Linggo ng umaga, Abril 3 ang ilang parte ng bansa, ayon  sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Iniulat ng Phivolcs, nilindol ng magnitude 3.1 ang Baler, Aurora dakong 2:45 ng madaling-araw habang ang Malaybalay sa Bukidnon ay niyanig ng magnitude 3 na lindol kaninang 7:25 ng umaga.

Nilindol din ng magnitude 3.5 na lindol ang Lubang Island sa Occidental Mindoro bandang 10:01 ng umaga.

Wala namang naiulat na nasugatan sa mga nasabing lindol.Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply