Away ng 2 grupo ng siklista iimbestigahan sa Kamara

UPANG mapangalagaan ang kapakanan ng mga siklista at masiguro na makakuha ng medalya sa darating na 2011 South East Asian Games, makikialam na ang Mababang Kapulungan sa gusot na kinasasangkutan ng dalawang grupo na parehong nagsasabing sila ang lehitimong organisasyon ng mga siklista ng bansa.

Ayon kay Rep. Arnel Ty (Party-list, PGMA) na naghain ng House Resolution 766 sa komite ng youth and sports development, ipapatawag sa isang pagdinig ang dalawang grupo upang ayusin ang mga ‘di pagkakaunawaan sa pagitan ng mga ito at ng maisaayos ang paghahanda para sa darating na SEA Games.

Ayon kay Ty naaapektuhan na pati ang pagsasanay ng mga siklista na nagnanais lumahok sa SEA Games dahil sa gulo ng dalawang organisasyon ng mga siklista ng  Integrated Cycling Federation of the Philippines (ICFP) na parehong nagsasabing sila ang lehitimong grupo.

“Posible na namang maulit ang nangyari noong 2009 SEA Games kung saan natalo ang ating mga kalahok at nawala ang pagkakataon na makapag-uwi sila ng medalya at dahilan din upang mawalan ng gana at bumaba ang sigla ng mga siklistang Pilipino,” ani Ty.

Dagdag pa ni Ty ang dalawang organisasyon ng ICFP ay pareho ng nagsagawa ng national open cycling championship noong nakaraang Disyembre 2010 na ang layunin ay makapili na ng delegadong ipadadala
para sa South East Asian Games. Beth Aragon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply