Ayon kay Jackie Chan: Ruffa Gutierrez ang totoong Miss World

IRONIC but true!

Did you know na kahit kapuwa na nag-wet look nang todo sa ilang eksena ng “Nagbabagang Bulaklak” sina Ritz Azul at Arci Muñoz, may kiyeme pa rin sila kapuwa na di raw sila magpapaseksi nang todo?

Seksi at maganda si Ritz at hindi kami magtataka kung mapasabak ito sa mga sexy at daring scene.

“Naku! Hindi ko pa po kayang magpaseksi. Kahit na mag-two piece, hindi ko pa magagawa. Mataba pa po ako at saka may pinaghahandaan ako, ang pagsali sa mga beauty pageant.

“Dream ko na po talaga sumali sa Bb. Pilipinas balang araw. Pangarap ko maging representative ng bansa sa Ms. World.  Idol ko po si Ms. Ruffa (Gutierrez) na sumali sa Miss World at naging 2nd Princess of the World.

“Tingin ko nga po siya (Ruffa) ang nanalo. Nagkaroon siguro ng hukos-pokus kaya siya naging 2nd Princess sa halip na Miss World.

“’Di po ba, isa sa mga hurado noon ay si Jacky Chan na very vocal sa pagsasabi na mula umpisa ng contest, naka-fokus ang attention niya kay Ms. Ruffa. Kaya para sa akin si Ms. Ruffa ang Miss World,” tsika ni Ritz.

Samantala, hanggang wet look lang daw ang puwedeng gawing pagpapaseksi ni Arci Muñoz sa naturang teleserye.

Ayon sa dalaga, wala pa raw siyang confidence magsuot ng two-piece bikini.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply