Azad U naungusan ang 7-eleven team

NAUNGUSAN na ng Azad University Cycling team ang 7-eleven team sa kompetisyon ng 2011 Le Tour de Filipinas kasunod ng 112.5 kilometer 3rd stage na akyatan sa Kenon Road sa Baguio City.

Nairehistro ng Azad U ang pinagsamang 27:17:21 na kulang sa isang minutong abante sa 27:18:18 at isang minutong abante na 27:18:28 sa pumapangatlong Giant Kenda.

Ang pag-angat ng Azad U team ay resulta ng pagkakapanalo ni Mirsamad Fourseyedi Galakhour ng Iran sa 151.20 kilometer stage na mula sa Iba, Zambales-Lingayen lap na nagrehistro ng tiyempong 3:37:12.

Nananatiling tangan ni Rahim Emami ang liderato na sinusundan ni Ericsson Obosa ng 7-eleven, habnang nakatutok si Hamid Shiri Sisan, Kazuo Inoue ng Bridgestone, Lloyd Lucien Reynante, Eusebio Quiñonez, Alex Coutts, Air21’s Merculio Ramos, Azad’s Amir Zargari at Jayson Garillo ng WOW Videoke. Radito Torres

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply