Azkals bubusalan ang mga kritiko

PIPILITING manalo ng Philippine Football team Azkals sa susunod nilang laban kontra Sri Lanka upang busalan ang mga bibig ng kanilang mga kritiko.

Sa kabila ng kanilang tagumpay ay marami pa ring kumakahol na kritiko sa kakayahan ng Azkals.

Nasa ika-151 ang Azkals sa FIFA world ranking kung saan ay makikipagsipaan ito sa Sri Lanka na pang 173 sa darating na Hunyo 29 kung saan ay gaganpin sa Sugathadasa Stadium sa Colombo o sa Kalutara Stadium sa Kalutara para sa 2014 FIFA World Cup.

Pagkatapos ay bibiyahe ang dalawang koponan papunta sa Pilipinas upang ituloy ang kanilang laban na gaganapin sa Rizal Memorial football field sa Hulyo 3.

Kung papalarin ang Azkals ay makakaharap nila sa second round ang mas mataas na ranggo sa mundo na Kuwait, (ranked No.101).

Sa Panaad Stadium sa Bacolod tinalo ng Azkals ang Blue Wolves ng Mongolia, 2-0, para sa qualifying round ng 2012 AFC Challenge Cup noong Pebrero 8 kung saan halos 20,000 football fans ang sumuporta sa mga Filipino booters.

Umabante ang Azkals matapos maghari sa group stage ng 2012 AFC Challenge Cup kung saan sumipa sila ng kabuuang 5 points mula sa 1-1 draw sa Myanmar White Angels, 0-0 scoreless draw sa Palestine Fighters at 3-0 win sa Bangladesh Bengal Tigers.

Samantala, binisita noong Huwebes nina Philippine Football Federation president Mariano Araneta, Azkals team manager Dan Palami, head coach Michael Weiss at Philippine Olympic Committee chairman Monico Puentevella ang nasabing pagdadausan ng laban ng Azkals at Sri Lanka sa Hulyo 3 upang malaman kung anu-ano ang dapat na ayusin para sa kaligtasan ng mga maglalaro.

“As far as the pitch is concerned, there are some patches, some holes that are not seen because they are covered with grass. We have to fix that because it may post danger to the players,” sabi ni Palami.

Kabilang sa mga aayusin ay ang dressing rooms at dapat malagyang ng ito ng air-conditioned, ayon sa chairman ng POC. Elech Dawa

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply