Bading natigok sa lobby ng sinehan

PINAGHIHINALAANG inatake sa puso ang isang bading, matapos na unti- unti itong mapaupo hanggang sa humandusay sa lobby ng sinehan sa Quezon Boulevard sa Quiapo, Maynila Biyernes ng hapon, ayon sa mga saksi.

Nakilala ang biktima na si Ernesto Nano, nasa 30-35 anyos, binata, residenete ng 135 Blumentritt St., San Juan City.

Batay sa ulat na isinumite ni Det. Jett Tajonera kay  P/Sr. Insp. Armando Macaraeg, hepe ng Manila Police District-Homicide Section dakong 2:15 ng hapon nang makitang parang kandilang nauupos ang biktima sa lobby ng Bravo Theater na dating Leader sa Quezon Boulevard sa Quiapo.

Nabatid sa dalawang saksing lalaki na hindi na pinangalanan, nakita na lamang nila ang biktima na dahan-dahan na umuupo at yumuyuko ang ulo. AKala nila na ito ay nagbibiro lamang.

Nagulat na lamang sila ng makita nilang  hindi na ito humihinga, kaya agad nilang ipinagbigay-alam sa nasasakupan ng Police Community Precinct, at dito na nagresponde si P/Insp. Joselito Bon Vossel, blk. Commamder ng Plaza Miranda PCP, sakop ng MPD-Sta. Cruz Police Station 3, bago ito ipinaabot sa tanggapan ng MPD-Homicide Section.

Habang nagsasagawa ng imbestigasyon si Det. Tajonera, nakitaan ng cell phone ang biktima at dito nalaman ang kanyang pagkakakilanlan.

Nabatid ng pulisya na suki ang biktima sa nasabing sinehan at malimit umano itong naghahanap ng ligaya ayon sa mga nakakakilala dito.

Dinala na sa Universal Funeral Morgue ang biktima para sa kaukulang awtopsiya, habang patuloy ang imbestigasyon dito kung may naganap na foul play. Rene Crisostomo

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply