Bagitong pulis tinangayan ng motor

TINANGAY ang motorsiklo ng isang bagitong pulis habang nagse-seminar ito sa Department of Tourism sa Rizal Park, Ermita, Manila Sabado ng hapon, Abril 30.

Agad na nagreport sa tanggapan ni Chief Insp. Joie Yape Jr., hepe ng MPD- Anti-Carnapping & Hi-jacking Unit, si PO1 Edward Gamotela, nakatalaga sa Tourist Belt area , para maghain ng reklamo sa hindi pa nakikilalang suspek na tumangay sa kanyang kulay pula na may putng Honda XRM (5512-TT).

Ayon sa salaysay ni PO1 Gamotela, bandang 1:30 ng hapon nang matuklasang nawawala na ang motorsiklo nito  habang nakaparada sa loob ng NPDC Compound sa Rizal Park.

Nabatid sa ulat ng pulisya, nagkaroon ng dalawang araw na seminar sa mga baguhang pulis na ang tema ay “Tourism Awareness seminar for National Tourist Oriented Police for Community Order and Protection” sa Department of Tourism sa nasabing lugar na nagsimula Biyernes ng umaga.

Napag-alaman sa report ng pulisya na pangalawang batch na umano ang seminar na dinaluhan ni Gamotela. Matapos kumain ng tanghalian, minabuting tingnan nito ang kanyang motorsiklo, pero laking gulat ng nasabing pulis na nawalang parang bula ang kanyang sasakyan. Rene Crisostomo

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply