Bagong commissioner ng Comelec dikit kay Roxas

NANINDIGAN si bagong Commission on Elections (Comelec) commissioner Christian Robert Lim na walang kinalaman sa umano’y planong muling pagtakbo sa halalan ni dating senador Mar Roxas sa 2016 ang pagkakatalaga sa kaniya.

Sa kaniyang kauna-unahang pagharap sa media nitong Martes, Abril 5, bilang bagong Comelec official, sinabi ni Lim na isang beses pa lamang niyang nakakausap si Roxas.

Naganap aniya ito noong tawagan siya ni Roxas upang batiin sa pagkakatalaga sa kaniya sa posisyon at ni hindi nga aniya nila napag-usapan kung may plano nga si Roxas na tumakbo sa halalan sa taong 2016.

Si Lim ay dating abogado nina Roxas at Pangulong Benigno Aquino III, at dati rin itong abogado sa Villaraza, Cruz, Marcelo and Angangco law firm na kilalang malapit kay Roxas.

Ang termino ni Lim ay magtatagal hanggang sa Peb. 2, 2018, o dalawang taon matapos ang 2016 presidential elections.

“I used to be an associate employee.  I don’t know who pushed my papers if that helped. I’m grateful to those who helped me,” dagdag pa nito.

Sinabi pa ni Lim na hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala sa pagkakatalaga sa kaniya sa Comelec at natutuwa siya dahil binigyan na siya ng orientation ni Comelec Chairman Sixto Brilliantes, Jr. hinggil sa kaniyang bagong trabaho.

Kwento pa ni Lim, isang beses lamang siyang nagsumite ng resume at hindi niya nakita ang kaniyang pangalan sa short list na pinagpipilian noon para sa posisyon. Kyle Gatus

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply