Bagong computer virus kumakalat

BINALAAAN ni Sen. Edgardo Angara ang mga kompanyang may website na maging alerto at protektahan ang kanilang computer systems dahil sa lumalaganap na bagong virus na  tumama na sa milyun-milyong internet users sa buong mundo.

Ayon kay Angara ang naturang virus ay nadiskubre nitong nakalipas na buwan ng Marso na nag-iinstall ng “malicious code” sa websites na tinawag na “LizaMoon” at tatanungin ang user para sa pag-install ng anti-virus software na siyang bumiktima sa milyong software users.

“We must not wait for these kinds of viruses to cause harm before establishing security measures. With the speed and pervasiveness of the Internet, this particular virus can reach the country in no time,” ayon kay Angara.

Binigyang diin ni Angara, Chairman ng Senate Committee on Science and Technology, na isinusulong niya ang Senate bill 52 o “An Act Defining Cyber-crime para imbestigahan at maipatupad ang kaukulang parusa o Cyber-crime prevention Act of 2010.

Layon ng panukala na mabigyan proteksyon ang mga gumagamit ng internet mula sa illegal na online activity tulad ng fraud, identity  theft, hacking at virus attacks na may kaukulang pagkakulong at multa na aabot sa P50,000.

“Nowadays, the vast majority of Filipinos have access to the Internet. We must be diligent and set safeguards to protect them from malicious entities wanting to take advantage,”  diin pa ng senador. Vicky Cervales

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply