Bagong judicial robes, gagamitin sa Senado

DINALA na sa Senado ang mga isusuot na judicial robes ng 23 senator-judge para sa impeachment trial laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez sa pagbabalik ng sesyon sa darating na Mayo.

Inisyal na sampung piraso pa lang ng robe ang nai-deliver ngayong hapon na ipinatahi sa GSA Academic Regalla.

Ang judicial robe ay kulay scarlet red at may lining na gold yellow na ginaya sa suot ng parliament sa London.

Si Sen. Miriam Defensor-Santiago ang nagbigay suhestyon na ganitong kulay ng robe na kanilang susuutin sa impeachment trial.

Sinabi ni Atty. Edwin Bellen, Senate deputy secretary, nagkakahalaga ng tatlo hanggang apat na libong piso ang isang judicial robe.

Ayon kay Bellen, susuutin ng mga senador ang judicial robe sa oathtaking ng mga ito sa Mayo 9, 2011.

Samantala, nakaporma na ang session hall para sa seating arrangement ng senators-judge, congressmen-prosecutor at private prosecutors.

Isa ring bagong podium na gagawing witness stand ang ipinagawa ng Senado. Linda Bohol

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply