Bagong LTO head, itinalaga ng DOTC

MALUGOD na tinanggap ng mga kawani ng Land Transportation Office (LTO) ang pagkakatalaga sa bagong hepe ng kanilang ahensya na si Officer-in-Charge (OIC) Atty. Raquel Desiderio.

Si Atty. Desiderio ay itinalaga bilang OIC ng LTO ni Transportation and Communications Secretary Jose “Ping” de Jesus matapos maghain ng dalawang buwang bakasyon si Assistant Secretary Virginia Torres, LTO Chief.

Sa isang panayam, sinabi ni Atty. Desiderio na wala naman aniyang specific order na ibinigay sa kanya si Sec. de Jesus kung anong gagawin at hindi dapat gawin.

“Ang bilin lang sa akin, gawin ko yung dapat gawin, lalo na kung may kinalaman sa public service at ikagaganda ng paglilingkod sa bayan concerning the LTO,” ani Desiderio.

Sinabi ni Atty. Desiderio na pupulungin niya ang lahat ng division at section heads ng ahensiya upang masimulan nila ang pagrerepaso ng lahat ng mahahalagang trabaho ng bawat tauhan upang malaman ang mga kakulangan o kahinaan ng ahensiya.

Kaugnay naman sa problema ng utang ng ahensiya sa IT Provider na Stradcom, inaprubahan na aniya ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ang pagsasalin ng P200 million kabayaran sa buwis ng Stradcom sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

“Wala ng problema dun, dahil pareho namang government agency, sa kaban naman ng taong bayan ang punta nyan,” Atty. Desiderio said.

Ipinakilala rin ni Atty. Desiderio ang kanyang teammate sa ahensiya na si Atty. Emil Ocfemina. Alex Ching

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply