Bagyo sa Amerika, 43 patay

DAHIL sa patuloy na pananalanta ng bagyo sa Amerika, umabot sa 43 katao ang nasasawi habang marami pa ang nawawala.

Nabatid na ang pinakahuling tinamaan ay ang North Carolina kung saan itinala ang may pinakamaraming namatay na umabot ng 21.

Bunsod nito, nagdeklara na ng state of emergency si North Carolina Gov. Beverly Perdue.

“This evening I declared a state of emergency for North Carolina,” pahayag ni Perdue.

Nabatid na umabot ng 62 tornado ang tumama sa North Carolina. Ito na umano ang pinakamarami at pinakagrabe na tumama sa kanilang lugar.

“Our thoughts and prayers are with everybody in North Carolina who has been through this horrible day,” dagdag pa ni Gov. Perdue.

Tinamaan din ng bagyo ang Oklahoma, Arkansas, Mississippi, Alabama, Georgia at Virginia. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply