Bagyong Amang papalabas na ng bansa

PATULOY na papalabas ang kilos ng tropical depression na si Amang, ang unang bagyong pumasok sa bansa ngayong 2011 kahit na nasa summer season ang bansa, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services and Administration (Pagasa).

Ayon sa Pagasa, namataan si Amang, Lunes ng umagaa sa layong 840 km sa silangan ng Borongan Eastern Samar.

Ito ay kumikilos sa direksyong pa-hilagang silangan, papalabas ng bansa. Bukod pa dito, bumilis din ang kilos ni Amang sa bilis na 19 kph, mula sa dating 15 kph.

Kapag nagpatuloy ang mabilis na kilos ng bagyo ay makalalabas na ito sa Philippine area of responsibility (PAR) Martes ng umaga.

Sa kabila ng balitang hindi makaaapekto si Amang sa ay makararanas pa rin ng mga pag-ulan ang Kabikulan, Silangang Visayas at Mindanao.

Ang makulimlim na papawirin sa Metro Manila ay hindi dulot ng nasabing bagyo, ayon sa Pagasa.

Ito ay dahil umiiral pa rin ang amihan mula sa hilagang-silangan. Alex Luiz

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply