Baha, landslides muling nagbanta, LPA namataan sa Catanduanes

NAGBABANTA nanaman ng muling pagbaha at landslides sa Visayas at Mindanao makaraang mamataan ang isang low-pressure area malapit sa Catanduanes, Bicol.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), namataan ang LPA bandang 560 km Silangang bahagi ng Virac, Catanduanes bandang 2 a.m.

“Visayas and Mindanao will experience mostly cloudy skies with scattered rainshowers and isolated thunderstorms becoming cloudy with widespread rains over Eastern Visayas and Northeastern Mindanao which may trigger flashfloods and landslides,” ayon sa 5 a.m. bulletin ng PAGASA.

Ayon pa sa kanilang anunsyo, magiging maulap ang ilang parte ng Luzon na may kasamang pag-ambon at mahinang pag-ulan.
Pinayuhan din ng PAGASA ang mga mangingisda gamit ang kanilang maliliit na Bangka na huwag muna pumalaot at pinaalalahanan ang mga larger seacraft na maging mapagmatyag at mag-ingat sa mga malalaking alon. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply